Kakayahan sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Sekondarya: Isang Pagsusuri ng mga Interbensyon

Authors

  • Shenayen A. Del Campo Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/jc44ds78

Keywords:

Bokabularyo, estratehiya, interbensyon, hugpong ng panitikan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang mga interbensyon sa pagtuturo ng pagbasa. Layunin ng pag-aaral na ito na maunawaan ang kahalagahan ng tamang intekrbensyon sa pagtuturo ng pagbasa upang mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ginamit ang pamamaraang penomenolohikal na pagtatanong, kung saan isinagawa ang pakikipag-usap sa mga mag-aaral ng sekondarya upang alamin ang kanilang personal na karanasan sa pagpapalawak ng kanilang kakayahan sa pagbasa. Binigyan-diin ang kanilang mga kwento, emosyon, at perspektiba upang mahanap ang mga kahulugan at pag-unawa ukol sa kanilang kakayahan sa pagbasa. Sa resulta ng pag-aaral, lumitaw na ang mga estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa mga mag-aaral ay nakatuon sa pagpapalawak ng bokabularyo, estratehiya sa pag-unawa at mga hugpong ng panitikan. Ang mga hadlang sa pagpapatupad ng mga nararapat na interbensyon sa pag-unlad ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa sekondarya ay ang kawalan ng suporta, kakulangan sa panahon at prayoridad at kakulangan sa paghahanda at pagsasanay ng mga guro. Ang kabatirang pang-edukasyon ng pag-aaaral na ito ay ang epektibong estratehiya at interbensyon, pangangailangan at suliranin at pamamaraan sa pagtuturo. Sa kabuuan, mahalaga ang tamang pag-aaral at pagpili ng interbensyon sa pagtuturo ng pagbasa para mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral. Dapat itong isagawa ng maingat, alinsunod sa kanilang pangangailangan at kalakaran ng pag-aaral.

Downloads

Published

2024-12-10

How to Cite

Kakayahan sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Sekondarya: Isang Pagsusuri ng mga Interbensyon. (2024). Nexus International Journal of Science and Education, 1(3). https://doi.org/10.5281/jc44ds78