Kasanayan Sa Pamamahala Ng Impormasyon Bilang Midyetor Sa Ugnayan Ng Sosyal Midya at Pag-Uugali Sa Pagkatuto Ng Wikang Filipino Ng Mga Mag-Aaral

Authors

  • Roxan C. Ortiz Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.14525140

Keywords:

Pagtuturo sa asignaturang Filipino, Kasanayan sa pamamahala ng impormasyon, sosyal midya

Abstract

Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumagamit ng non-experimental na quantitative na disenyo gamit ang pamamaraan sa Mediation nina Baron at Kenny (1986) sa pananaliksik upang masuri ang epekto ng kasanayan sa pamamahala ng impormasyon bilang midyetor sa ugnayan ng sosyal midya at pag-uugali sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga mag-aaral. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang isang daan at limampong (150) mag-aaral sa antas ng junior high school sa Mati South District, Mati City. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas ng sosyal midya, pag-uugali sa pagkatuto ng wikang Filipino, kasanayan sa pamamahal ng impormasyon ng mga mga-aaral ay nasa mataas na antas. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng sosyal midya, pag-uugali sa pagkatuto ng wikang Filipino, kasanayan sa pamamahal ng impormasyon ng mga mga-aaral sa Mati South District, Mati City. Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang kasanayan sa pamamahala ng impormasyon ay mag makabuluhang epekto bilang midyetor sa ugnayan ng sosyal midya at pag-uugali sa pagkatoto ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Mati South District, Mati City.

Downloads

Published

2024-12-10

How to Cite

Kasanayan Sa Pamamahala Ng Impormasyon Bilang Midyetor Sa Ugnayan Ng Sosyal Midya at Pag-Uugali Sa Pagkatuto Ng Wikang Filipino Ng Mga Mag-Aaral. (2024). Nexus International Journal of Science and Education, 1(3). https://doi.org/10.5281/zenodo.14525140