Danas ng mga Guro sa Filipino sa Paggamit ng Differentiated Instruction

Authors

  • Archie M. Aparice Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.15762340

Keywords:

Danas, Filipino, Differentiated Instruction, Karanasan, Penomenolohikal na pananaliksik

Abstract

Ang penomenolohiyang-kwalitatibong pag-aaral na ito ay tungkol sa danas ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng differentiated instruction. Layunin nito na malaman ang danas ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng differentiated instruction at epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng differentiated instruction. Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Theory of Multiple Intelligences ni Gardner (1983) at pinagbatayan din ang problem-focused coping nina Riley at Park (2014). Ginamit ang purposive sampling upang makuha ang labindalawang (12) mga gurong may rangong Teacher 1-3 at anim na taon o higit na karanasan sa pagtuturo ng Junior High School sa pampublikong paaralan na sakop ng Davao City Division na sumailalim sa In-depth Interview o IDI at Focus Group Discussion (FGD). Gumamit ng tematikong pagsusuri ang pag-aaral na ito upang makuha ang mahahalagang tema. Para sa karanasan ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng differentiated instruction, ang nahugot na tema ay nabibigyan ng sapat na kaalaman sa estratehiyang gagamitin, kakulangan sa oras at materyales, gamification ang kawili-wiling differentiated instruction, pagtanggap ng positibong pidbak at mabisa ang differentiated instruction tuwing may classroom observation. Sa pananaw ng paggamit ng differentiated instruction, ang nahugot na tema ay natututo ang mga mag-aaral sa tulong ng differentiated instruction at pagtaas ng marka ng mga mag-aaral. Batay sa naging resulta ng pag-aaral na ito, iba-iba ang naging danas ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng differentiated instruction. Ngunit, ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino ay natukoy bilang tugon sa penomenon.

Downloads

Published

2025-06-18

How to Cite

Danas ng mga Guro sa Filipino sa Paggamit ng Differentiated Instruction. (2025). Nexus International Journal of Science and Education, 2(2). https://doi.org/10.5281/zenodo.15762340