Kabalisaan Sa Wikang Filipino At Pakikilahok Sa Klase Ng Mga Mag-aaral
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.15759257Keywords:
Pagkabalisa, Pag-aalala, Takot, Kaba, Wikang FilipinoAbstract
Ang pag-aaral na ito ay nilalayong sinuri ang antas ng pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino at ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga salik na nagdudulot ng pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino at ang epekto nito sa akademikong performans. Makakatulong ito sa pagbuo ng mga estratehiya upang mapababa ang antas ng pagkabalisa at mapabuti ang pagkatuto at akademikong resulta ng mga mag-aaral. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibong korelasyonal na disenyo upang mailarawan at matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Natuklasan na ang antas ng pagkabalisa ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nasa katamtamang antas. Ipinakita rin ng mga resulta na may statistically significant na kaugnayan ang antas ng pagkabalisa sa akademikong performans.
Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na may kaugnayan ang antas ng pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino at ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Ang mga natuklasan ay maaaring gamitin bilang batayan sa pagbuo ng mga programa at interbensyon upang mabawasan ang pagkabalisa at mapabuti ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Bilang rekomendasyon, inirerekomenda ang pagpapabuti ng mga estratehiya sa pagtuturo na nakatuon sa pagpapabuti ng kakayahan sa wika. Magpatupad ng mga interaktibong aktibidad sa pagtuturo tulad ng role-playing at group discussions upang masanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino. Mahalaga rin ang pagbibigay ng positibong feedback upang mapataas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral at mabawasan ang kanilang pagkabalisa. Dapat ding magpatupad ng programang sumusuporta sa pagpapaunlad ng kasanayan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral tulad ng seminar at training para sa mga guro upang mapalawig ang kakayahan sa pagtuturo ng wika at ang pagbibigay supporta sa mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Nexus International Journal of Science and Education

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.